Magparamdam

Kahit ilang segundo lang

Kahit ilang minuto lamang

Yan lang ang aking kailangan

Upang kahit papaano’y mapawi ang kalungkutan

Kalimitang tuwing undas lang nararanasan o gustong mahagkan

Ngunit alam mo bang ang iyong pagpaparamdam ay lagi kong kinakailangan?

 

Ang sabi nila’y nakakatakot magmahal

Ngunit mas masakit kung ikaw o siya lang ang nagmamahal

Kanya-kanya,  walang pagbubuklod

Mas nakasisindak ng pusong nagmamaktol

Tila walang karampatang sukli sa pagkayod

Aabot pa sa tanong kung “bakit ba ako pumatol?”

 

At ngayong tila wala nang kibuan, pansinan

Mga pusong dating magkasangga, isa’t isa’y laging pasan

Sana’y maintindihan ang pagkakamali at ito’y nais maitama

Pagkat ikaw pa rin ang tanging sinisinta

Ngunit heto’t dalangin pa rin na ako’y muling damayan

Kahit na inaasahang di na mauulit ang dati’y mainit na ugnayan

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s